DAGFUPAN CITY-Ikinatuwa ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Bugallon ang pakikiisa ng maraming mga guro sa ‘new normal’ na bahagi ng Dugong Bombo 2020.

Ayon kay Amado John Jefferson Espino, Local Disaster Risk Reduction and Management Officer ng bayan, dahil hindi na bago sa kanila ang pakikibahagi sa Blood letting activity, napansin nitong nakaapekto ang COVID-19 pandemic subalit napansin nilang karamihan sa mga nagdonate ng dugo ay pawang mga guro bagay na kanilang ikinagalak.

Aniya, malaking bagay ang pakikibahagi sa ganitong mga uri ng aktibidad dahil maraming nangangailangan ng dugo dahil bukod kasi sa panahon ng pandemiya nariyan ang mga banta ng sakit kasabay ng panahon ng tag-ulan katulad nalamang ng sakit na dengue.

--Ads--
Amado John Jefferson Espino, Local Disaster Risk Reduction and Management Officer Bugallon Pangasinan

Bilang isa ring regular donor, hinikayat nito ang publiko na makibahagi sa susunod pang bahagi ng Dugong Bombo 2020 upang makasagip ng mga buhay dahil sa isang donasyon lamang aniya ay marami ng makikinabang sa isang bag ng dugo.

Ang nasabing bloodletting activity ay isa sa mga corporate social responsibility ng Bombo Radyo Philippines sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross at ng local government units.

Samantala, tiniyak naman ni Espino ang kahandaan ng kanilang bayan sa pagtugon sa posibleng kalamidad tulad ng bagyo subalit umaasa aniya sila na wala ng iba pang sasabay sa kinakaharap narin ngayon na pandemiya.