Natagpuan ang bangkay ng hindi nakikilalang lalaki sa loob ng isang sa sasakyan sa bayan ng Asingan, Pangasinan.

Nabalot ng takot ang magtiyuhin na si Mark At Gabriel, hindi nila tunay na panggalan nang tumambad sa harapang bahagi ng kanilang sasakyan ang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki sa brgy. Dupac sa nasabing bayan.

Ang hindi pa tukoy na biktima ay nakabalot pa ng masking tape ang ulo at nakatali ang paa nang matagpuan sa loob ng sasakyan.

--Ads--

Ayon sa mga otoridad, apat na tama ng bala sa ulo at isang bala sa tiyan ang tinamo ng biktima.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya ukol sa pagkakakilanlan at motibo ng pagpatay sa biktima.