DAGUPAN CITY–Anim katao ang sugatan sa banggaan ng delivery truck at SUV sa kahabaan ng national highway sa barangay Turac sa lungsod ng San Carlos Pangasinan.
Ayon sa pulisya, habang tinatahak ng delivery truck ang nasabing kalsada ay pumutok ang gulong sa likuran kaya nawalan ng kontrol at nasakop ang linya ng SUV.
Nagpapagaling sa ospital ang apat sa mga biktima na mga sakay ng SUV habang nakalabas na ang dalawa na isang pahinante at driber ng truck.
--Ads--
Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.




