DAGUPAN, CITY— Makakauwi na sa Pilipinas sa tulong ng Bombo Radyo ang 10 Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa Saudi Arabia.

Ito ay matapos kinumpirma kahapon ni Cherelle Ortege Didal, tubong Antipolo City sa pamamgitan ng facebook message sa ating Bombo International Correspondent na si Lawrence Valmonte ang naturang balita.

Ayon kay Valmonte, nag-issue na ang kompanya nila Didal ng exit visa sa karagdagang tulong na rin ng POLO OWWA sa Riyadh at mga grupo ng OFW sa naturang bansa.

--Ads--

Matatandaang ang grupo ni Didal ay dumulog upang umapela sa kanilang hiling na mabigyan ng exit visa upang makauwi sila bansa dahil sa hirap na kanilang nararanasan sa naturang bansa buhat nang sila’y magresign na roon at bukod pa riyan ay pinagbabayad din ang mga ito ng karampatang halaga dahil sa pag-alis nila noon sa trabaho.