DAGUPAN, CITY— Mariing kinundena ng mataas na opisyal ng PhilHealth Regional Office I ang ulat hinggil sa pagtatangka umano ng ilang armadong kalalakihan na pagsira sa mga mahahalagang dokumento na maaring maging ebidensya sa gumugulong na imbestigasyon sa alegasyon sa mga opisyal na sa sangkot sa Philheath fraud.
Base sa naging pahayag ni Alberto C. Manduriao, Regional Vice President ng Philhealth Region I , kanyang nilinaw na walang armadong lalake ang naabutan ng grupo ng Dagupan City Police Station na bumisita sa kanilang opisina upang makumpirma ang naturang ulat.
Ayon kay Manduriao, napatunayan naman umano ng Chief of Police ng Dagupan City PNP na hindi totoo ang naiparating sa kanilang ulat sapagkat naabutan lamang ng mga ito ang security guard na naglilinis sa sahig ng kanilang opisina kaya naman sinabi nito na walang anumang banta sa kanilang tanggapan.
Dagdag pa ng naturang opisyal na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa NBI, DILG, CIDG at Dagupan City PNP upang malinaw ang naturang ulat.