DAGUPAN CITY–Maging ang mga mental health workers ay nananawagan na rin ng time-out dahil sa biglaang pagtaas ng mga pasyente na dulot ng community quarantine dahil sa covid19.

Ayon kay Dr. Nhorly Domenden, kilalang Psychologist dito sa lalawigan ng Pangasinan at director ng Wundt Psychological Institute, kokonti ang mga mental health workers sa buong pilipinas ngunit biglaan ang pagtaas ng mga lumalapit sa kanila na mga pasiyente.

Saad din nito na bagamat hindi lahat ay dahil sa pandemic, maraming paasyente na may mga existing conditions ang natrigger ng dahil sa covid19 pandemic.

--Ads--

Tumataas din ang kanilang emotional exhaustion dahil sila ay nakikitungo sa mga may psychological at emotional problem.

Nananawagan din si Domenden sa mga LGU lalo na sa mga barangay na huwag lang tumutok sa problema sa kalusugan at tignan din ang mental health ng mga nasasakupan.

Dr. Nhorly Domenden, Psychologist in Pangasinan and Director of Wundt Psychological Institute,

Ayon din sakanya ay malaki ang kakulangan ng gobyerno pagdating sa pagtutok sa mental health.

Pagdating din sa ilang ahensiya ng gobyerno ay mababa ang pasahod ng mga mental health professionals samantalang ang taas ng kanilang mga qualifications.

Sa mga pasilidad din ay walang mga psychiatric facility ang mga hospital at ang mga kelangan ipa-admit ay napupunta sa mga private facilities.

Dagdag pa dito ay wala ding scholarship sa mga guidance counselors o psychologist.

Kayat umaasa sila na unti unting mas mapaigting ang mental health services sa pamamagitan ng information dissemination tungkol sa mental health, paggawa ng mga pasilidad, pamimigay ng libreng gamot at scholarship o educational program para makahikayat ng mas marami pang mental heath workers.