DAGUPAN CITY– Ikinagalak ng ilang mga mental health professional dahil na napansin din sa wakas ng mga otoridad ang kahalagahan ng mental health sa panahon ng pandemya.

Ayon kay Dr. Nhorly Domenden, kilalang Psychologist dito sa lalawigan ng Pangasinan at director ng Wundt Psychological Institute, nakita na ng mga otoridad na mahalagang mabantayan din ang mental healt effects. Bagamat hindi lahat ay dahil sa pandemic, maraming pasyente na may mga existing conditions na natrigger ng dahil sa covid19 pandemic.

Tumataas din ang kanilang emotional exhaustion dahil sila ay nakikitungo sa mga may psychological at emotional problem.

--Ads--

Aniya, bagamat naaprubahan na ang mental health law of the Philippines pero hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw ang mga programa at mga aktibidad na kailangan ngayon.

Dr. Nhorly Domenden, Psychologist in Pangasinan and director of Wundt Psychological Institute

Dumadami aniya ang bilang ng mental health problems at gustuhin man nilang tugunan ay limitado ang kanilang naseserbisyuhan.