DAGUPAN CITY–Muling nagpositibo sa covid 19 ang isang medical Frontliner dito sa lungsod ng Dagupan na nauna nang gumaling sa sakit.

Nabatid na muli itong nagkaroon ng exposure sa isang nagpositibong biktima.

Samantala, pinauwi na ang 41 returning OFW at isang LSI matapos magnegatibo sa swab test dito sa lungsod ng Dagupan.

--Ads--

Sumatotal, 317 na ang kumpirmadong kaso sa lalawigan ng Pangasinan kung saan 275 ay mula sa 44 na bayan at 3 siyudad ng Pangasinan, habang nananatili parin sa bilang na 42 ang mula sa Dagupan, na isang independent-component city o chartered city.