Nahaharap sa kasong panggagahasa ang isang padre de pamilya matapos umanong gahasain ang isang 17 anyos na dalagita na kanyang kainuman sa bayan ng San Fabian dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, parehong dumalo sa birthday party ang biktima at 30 anyos na suspek na nakilalang si Arnold Diso. Parehong nakainom ang dalawa nang isagawa ang panghahalay.
Sa imbestgasyon ng pulisya, nang magpunta ang babae sa palikuran para umihi ay sinundan siya ng suspek.
--Ads--
Matapos umihi ang biktima ay hinatak siya ng suspek papunta sa isang abandonadong bahay at doon ginahasa.
Agada namang naaresto ang suspek pero mariing pinabulaan ang akusasyon na ginahasa niya ang biktima.




