DAGUPAN, CITY— Nangunguna sa ngayon sa mga survey sa pagkapangulo ang democrat representative na si Joe Biden kontra kay US President Donald Trump sa 2020 US Election.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Professor Gabriel Ortigoza ng University of California Davis sa bansang Amerika, sinabi nito na sa pinakahuling resulta ng kabuuang bilang ng mamamayang kabilang sa naturang survey, lumamang si Biden ng 49% kontra kay Trump na mayroon lamang 41%.

Aniya, maraming mga Amerikano sa ngayon ang gusto ng tunay na reporma sa iba’t ibang problema ng kanilang bansa sa ngayon gaya ng pagresolba sa patuloy na paglaki ng bilang ng kaso ng COVID-19, maging sa usapin ng foreign policies, at pagbaba ng ekonomiya ng kanilang bansa.

--Ads--

Saad pa ni Ortigoza, nakikitaan ng mamamayan sa nasabing bansa na matutugunan ni Biden ang mga nabanggit na mga isyu doon sapagkat marami na umano itong karanansan sa pamumuno at maging ang kanyang magandang mga nailatag na reporma at batas.