DAGUPAN CITY–Mas mababa ng 60 percent ang kaso ng leptospirosis ngayong taon dito sa lalawigan ng Pangasinan kumpara noong nakalipas na taon.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Ana Marie de Guzman, sa ngayon ay nakapagtala na ang lalawigan ng 18 na kaso ng leptospirosis mula Enero hanggang August 17.

Sa labing walong kaso, dalawa ang nasawi. Noong nakalipas na taon ay nakapagtala ang lalawigan ng 53 at walo ang nasawi.

--Ads--

Isa sa tinitignan na dahilan ng pagbaba ng kaso ay ang community quarantine o pananatili lang sa bahay ng mga mamamayan.

Pangasinan Provincial Health Officer Dr. Ana Marie de Guzman

Naging limitado ang galaw ng mga manggagawa at wala ring pasok ng mga eskuwela.