Humigit kumulang 50 gramo ng suspected shabu na may halagang P340,000 ang nakumpiska ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy bust operation laban sa mga high value target drug personalities sa barangay Ambunao sa bayan ng Calasiao dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PDEA Asst Provincial Officer Rechie Camacho, bandang alas-2 ng hapon kahapon ay nagsagawa sila ng buybust operation na nagresulta sa pagkakaresto sa tatlong katao na kinabiblangan ng dalawang lalaki at isang babae.
Ang dalawa ay mula sa bayan ng Aguilar habang ang isa mula sa bayan ng Santa Barbara.
Nagpanggap umanong na poseur buyer ang kasamahan nila at nang mag-kaabutan na sila ay dito na inaresto ang tatlong suspek at nakumpiska ang nasa humigit kumulang sa 50 gramo ng shabu.
Nabatid na matagal na minamanmanan ang mga suspek. Dati na ring may kaso ang mga ito na may kaugnayan sa illegal na droga.
Ang mga nakumpiskang shabu ay ipinadala na sa crime laboratory sa PDEA Regional office sa San Fernando La Union kasama ang mga suspek para sa isasagawang drug test.




