DAGUPAN CITY–Kinumpirma ni Provincial Health Officer Dr. Ana Marie de Guzman na mayroon na lamang 34 active confirmed case ng covid 19 na nagpapagaling ngayon dito sa lalawigan ng Pangasinan.

May dalawang naidagdag na isang frontline worker sa San Carlos City at isang OFW sa bayan ng Bugallon.

261 na ang gumaling at nanatiling 12 ang nasawi.

--Ads--

Sinabi ni De Guzman na karamihan sa mga nagpositibo ay mga asymptomatic.

Sumatotal, 310 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan kung saan 268 ay mula sa 44 na bayan at 3 siyudad ng Pangasinan, habang 42 mula sa Dagupan, na isang independent-component city o chartered city.

Pangasinan Provincial Health Officer Dr. Ana Marie de Guzman

Sa kabilang dako, inihayag naman ni De Guzman na lahat ng mga Overseas Filipino workers na dumarating sa Manila ay dumadaan sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA

Ang mga dumarating na OFW ay isinasailalim sa throat swab at hanggat hindi lumalabas ang resulta ay hindi sila pinapayagan na makauwi sa kanilang probinsya.

Pero kapag sila ay nagpositibo sa Covid-19 ay mananatili sila sa Manila at sasailalim sa 14 araw na quarantine.
Ang mga negatibo na OFW ay pinapayagan namang umuwi sa probinsya pero pagdating nila ay nagtutuloy ang mga ito sa kanilang quarantine.

Samantala, ang mga locally stranded individual na papasok sa probinsya ay nangangailangan pa ng medical certificate at travel authority na kukunin sa PNP.

Pangasinan Provincial Health Officer Dr. Ana Marie de Guzman

Pagdating a border ay kailangan na magpakita sila ng medical certificate na may validity na 3 hanggang 5 araw .