DAGUPAN, CITY— Nanawagan ang Samahan ng Industriya at Agrikultura (SINAG) sa publiko na suportahan ang local meat at poultry industry sa bansa ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Ito ay upang tiyak na ligtas at mas mapausbong pa ang income ng bawat mga kababayan natin sa naturang sektor.
Ayon kay Engr. Rosendo So, Presidente ng naturang grupo, sinabi nito na kailangang tangkilikin din umano ng ating mga kababayan ang mga produktong galing sa ating mga bansa dahil na rin sa kung paano napoproseso ng maayos ang mga karneng galing sa iba’t ibang probinsya sa bansa.
--Ads--
Aniya iba pa rin umano ang kalidad ng produkto ng mga producers at kompanya sa bansa dahil sa standards na ipinapatupad sa ating bansa pagdating na rin sa meat industry.