DAGUPAN, CITY— Mariing iminumungkahi ng Samahan ng Industriya at Agrikultura (SINAG) pag-iimplementa ng kinauukulan ng first border inspection para masuri ang pumapasok na mga meat at poultry products sa bansa upang masiguro ang kaligtasan ng mga consumers.

Kasunod ito ng mga lumabas na ulat sa China na ilan sa mga sample ng karneng manok mula sa bansang Brazil ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa bahagi ng naging pahayag ni Engr. Rosendo So, Presidente ng naturang grupo, nabatid nito na kailangan umano na ang mga kargamento dumadating sa bansa lalo na kung naglalaman ng livestock at poultry products ay kailangang mainspeksyon kaagad sa unang pantalan pa lamang, bago pa mapunta sa kustodiya ng Bureau of Customs.

--Ads--

Ito ay upang masuring maigi ang mga produkto na inaangkat sa ibang bansa upang matukoy kung ligtas at hindi ito smuggled item lamang.

Ayon pa kay So, dapat lamang na maisagawa ang naturang inspection dahil ito ay alinsunod na rin sa nakapaloob sa Food Safety Act of 2013 upang masiguro ang kanilang kaligtasan na mga indibidwal na bibili ng mga naturang produkto.