]

DAGUPAN CITY– Umaabot sa 72 dating rebelde ang nagbalik loob dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang kinumpirma ni Police Capt. Ria Tacderan, tagapagsalita ng PNP Pangasinan, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan.

--Ads--

Aniya naganap ang naturang pagbabalik loob ng mga dating rebelde sa ilalim ng OPLAN PANAGSUBLI 2.0 dahi ito na aniya ang ikalawang pagkakataon na magkakaroon ng ganitong pangyayari sa probinsya kung saan isinagawa ang programa ng pagtanggap sa kanila sa bayan ng San Quintin bagamat nagmula ang mga ito sa iba’t-ibang bayan sa probinsya. Kung matatandaan ang unang bahagi ng naturang programa ay isinagawa noon sa bayan ng Mabini.

Police Capt. Ria Tacderan, Spokesperson PNP Pangasinan

Nilinaw naman ni Tacderan na matagal ng namumuhay ng normal ang mga dating rebelde ng New Peoples Army (NPA) subalit ang isinagawang programa ay bilang pormal na pagbabalik muli nila sa pamahalaan.