DAGUPAN, CITY— Idineklarang Dead on Arrival na ng isinugod sa Rural Health Unit sa bayan ng San Quintin, Pangasinan ang isang lalaki matapos nitong magpatiwakal sa kanyang sariling bahay.
Ayon sa hanay ng San Quintin PNP, pinaniniwalaang ang naturang indibidwal ay napagpasyahang kitilin ang kanyang buhay dahil wala umano itong pambayad sa settlement fee sa kanyang kinasangkutang kaso.
Sa pahayag ni P/Lt Benedict Espinoza, OIC Deputy Chief of Police ng Sam Quintin PNP, kanyang idinetalye na pansamantalang nakalaya si Mark Anthony Gallardo, 30 anyos at residente ng barangay Cabalaoangan sa bayan ng San Quintin, matapos na mapagkasunduan sa Public Attorneys Office (PAO) sa bayan ng Tayug na magbabayad na lamang si Gallardo ng P5,000 kapalit ng kaniyang pansamantalang kalayaan.
Ayon pa sa hepe marahil iniisip ni Gallardo na walang siyang pambayad dahil wala na siyang source of income dahil natigil ito sa pagtratrabaho bilang laborer at mayroon pa itong apat na anak. VC ESPINOZA KASO
Pagbabahagi ng hepe na talagang plinano ni Gallardo ang pagkitil sa kaniyang sariling buhay dahil sa mga oras bago ginawa ng biktima ang pagpapakamatay ay inutusan pa nito ang kaniyang maybahay na pumunta sa barangay hall ng barangay Cabalaoangan dahil kasagsagan noon ng distribusiyon ng SAP.
Sunod din aniya nitong inutusan ang kaniyang dalawang anak na pumunta sa labas.
Sa kasalukuyan, ito ang unang suicide incident na naitala sa bayan ng San Quintin.