DAGUPAN, CITY— Pinagkalooban ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Amado I. Espino III ng 15 transport vehicles ang mga ospital ng Pangasinan at maging ang Provincial Agriculturist Office.

Ang blessing at turn-over ng mga sasakyan ay dinaluhan ng iba’t-ibang department heads mula sa Pangasinan Provincial Government na pinangunahan ni Provincial Administrator Nimrod Camba, Provincial Health Officer Anna Maria Teresa De Guzman at ng 14 na chiefs of hospitals.

Photo credits: Province of Pangasinan (Official facebook page)

Ang mga ipinamahaging ISUZU FX L300 type na sasakyan ay gagamitin upang mas mapadali ang delivery ng logistics na ipi-pick up mula sa General Services Offices at ide-deliver sa mga hospital.

--Ads--

Dagdag pa dito ay gagamitin din ang mga sasakyan para sa mga official functions ng mga health facility personnel tulad ng seminars, trainings at ibang events.