DAGUPAN, CITY— Nais ng COVID-19 focal person ng lungsod ng Dagupan, na mapalitan ang mga polisiya ng mga munisipalidad at lungsod sa lalawigan ng Pangasinan sa pagsasagawa ng rapid test sa mga indibidwal na dumarating sa probinsya upang makapasok sa kani-kanilang lugar.

Kaugnay ito sa panawagan ng isang doktor na matigil na ang pagsusuri sa mga mamamayan gamit ang rapid test kits dahil sa ilang ulat na rin ng maling inilalabas nitong resulta. Ayon kay Dr. Ophelia Rivera, covid-19 focal person ng siyudad ng Dagupan, na ang PCR o Polymerase Chain Reaction test ang mas reliable na pamamaraan ng pagsusuri sa mga indibidwal na posibleng may COVID-19.

Gaya ng ilang pag-aanalisa ng iba pang mga doktor sa bansa, ang rapid testing ay nagbibigay ng false hope sa iba kung saan ang mga totoong may kaso ng naturang sakit ay negatibo ang lumalabas na resulta.

--Ads--

Habang ang mga negatibo sa naturang pagsusuri ang siyang maaring positibo sa covid19. Ngunit aniya ay depende pa rin umano sa timing ng pagkuha ng specimen sa pagsiguro sa tamang resulta nito.

Dagdag naman ni Rivera na konti na lamang ang rapid test kits na ginagamit ng lungsod ng Dagupan at patuloy na kinokonsidera ng DOH na bigyan ng libreng pcr testing ang siyudad.