DAGUPAN CITY– Tinamaan ng dengue ang tatlong magkakapatid sa barangay Salay sa bayan Mangaldan Pangasinan.

Ang tatlong menor de edad ay ilang araw na naospital.

Sever dengue ang diagnosis sa pangalawa sa tatlong magkakapatid.

--Ads--

Bukod sa mataas na lagnat ay sobrang bumaba din ang platelet count ng pasyente.

Pinaniniwalaan ni William Dulay, ama ng mga bata na ang naipong tubig sa likod ng kanilang bahay ang posibleng pinagmulan ng dengue virus.

Samantala, nagsagawa na ng misting operation ang mga otoridad sa lugar at sinuyod ang mga sulok para maitaboy ang mga lamok.