DAGUPAN, CITY— Nasawi ang isang construction worker matapos na aksidenteng nakuryente sa bayan ng Manaoag.
Ayon kay PMaj. Reinweck Alamay, Chief of Police ng Manaoag PNP, inaayos noon ng biktima na si Randy Bautista na residente ng barangay Pugaro sa nabanggit na bayan ang mga wire matapos nitong magwelding.
Hindi umano akalain ng biktima na ang nahawakan nito ay live wire na walang balot kung kaya’t nakuryente ito.
--Ads--
Agad na itinakbo sa community ospital ang biktima subalit idineklarang Dead On Arrival.
Base sa inbestigasyon ng kapulisan namatay ang naturang indibidwal dahil sa electric fusion.