DAGUPAN, CITY— Nanawagan ng masususing imbestigasyon ang pamilya ni Anakpawis chairman at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultant Randall “Randy” Echanis matapos ito ay masawi sakanyang tinitirahang bahay sa Quezon City.

Lumalabas kasi sa inisyal na imbestigasyon na ito ay namatay sa pamamagitan ng saksak at pagtorture sa katawan nito. Nalaman ang naturang impormasyon nang isinagawa ang confirmation sa pamamagitan ng pag-validate ng fingerprint sa isa sa identification card ni Echanis.

Sa naging pahayag ni Atty. Jobert Pahilga, counsel ng pamilya Echanis sinabi nito na idudulog nila na magkaroon ng isang dependent impartial investigation ang tanggapan ng Bureau of Investigation o maari rin ang Commission on Human Rights upang mapatunayan na isang extrajudicial killing ang pagkasawi ni “Ka-Randy”.

--Ads--

Aniya, wala umano silang tiwala sa QCPD dahil noong una pa man ay hindi man lang nakompirma kaagad ng naturang hanay na bangkay na pala Echanis ang natagpuan sa crime scene.

Dagdag pa ni Pahilga na brutal ang pagkakamatay sa kanya dahil base sa physical examination ng kanyang bangkay, ay nagtamo ito ng 2 tama sa ulo, 12 saksak, at 21 sugat sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan.

Kaya naman ngayong araw ay nagrequest sila ng autopsy upang mapatunayan na ito ay isang uri ng turture at murder ang pagkasawi nito at hindi lamang isang krimen ng akyat bahay na unang sinabi ng kapulisan.