DAGUPAN — Umabot na sa 286 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Pangasinan.

Dumagdag sa datos ang isang bata mula sa barangay Nalsian sa bayan ng Manaoag na nakumpirmang positibo sa CovId 19.

Ang pasyente ay edad isang taon at limang buwang sanggol, anak ng mag asawang Overseas Filipino workers na umuwi sa Pilipinas noong August 1,2020.

--Ads--

Sila ay nakauwi sa Manaoag noong August 10 at kasalukuyang naka strict home quarantine. Ang mga magulang ng sanggol ay negatibo sa swab test.

Samantala, sinimulan na ang contact tracing sa mga nakasalamuha at nakasama ng pasyente.

Kasalukuyan na ring minomonitor ng Manaoag covid 19 task force at ng barangay council ang compound ng nasabing pasyente upang mapigilan ang paglaganap ng sakit.

Samantala, wala ng aktibong kaso ng Covid 19 sa lungsod ng Dagupan matapos gumaling ang pinaka huling active case sa lungsod. Negatibo rin sa swab test ang dalawampung reurning OFWs.

Gayunman, kailangan na mag home quarantine pa rin ito at imomonitor ng City Health Office.