
Puspusan ang ginagawang pagbabantay ngayon ng tanggapan ng Department of Agriculture o DA Region 1 sa ating nasasakupan upang hindi magkaroon ng kaso ng bird flu.
Nabatid mula kay DA Region 1 Executive Director Jun Alviar Lucrecio, sa ngayon ay hindi pa napapasukan ang ating rehiyon kung kayat todo higpit sa pagbabantay ang kanilang ahensiya lalo pa’t marami din ang nag aalaga ng manok.
Matatandaan na nagkaroon na ng naturang kaso sa parteng Nueva Ecija at latest lamang sa Pampanga. Dahil sa ibang strain ang bird flu, mas lalong naghahanda at naghihigpit ang kanilang tanggapan lalo na sa mga border checkpoint control katuwang na din ang bawat LGU’s sa munisipyo at probinsiya.
Bilang parte ng kanilang stratehiya upang maabutan ng tulong ang mga magsasaka maging ang mga backyard raisers ay nagbibigay sila ng cash assistance sa halagang 5K pesos at mga alagain tulad ng baka, manok, at iba pang hayop maliban sa baboy para sila’y makapag simulang muli.
Kung maalala, kinakailangan na sa loob ng anim na buwan at kung wala na talagang manifestation na babalik ang naturang virus ay saka pa lamang irerekomenda ang pag aalaga ng baboy.
Bilang rekomendasyon ng kanilang ahensya maging ng ilang mga private sector, maaaring mag alaga ng kambing, tupa, o rabbit ang mga backyard raisers dahil lahat naman aniya ito ay alternatibong source ng protein na hindi apektado sa virus na ASF.



