Naghahanda na maging ang mga magulang sa pagbubukas ng klase sa August 24.

Ayon kay Liway Manantan-Yparraguirre, Federation President ng Parent Teachers Association sa lungsod ng Dagupan, isa ang lungsod sa mga napili para sa simulation ng on line o modular mode of learning.

Pero dahil sa feedback mula sa junior at senior high na hindi kakayanin ng lahat ng mga bata ang online, ay napagkaisahan na gagamitin na ang on line assisted modular instruction.

--Ads--

Ibig sabihin modules ang ibibigay sa mga bata at gagamitin lang ang on line kung may tanong sila o follow up sa kanilang guro.

Tiniyak naman ni Yparaguirre na walang babayaran ang mga magulang sa modules.

May pondo aniya ang city goverment na puwedeng i-assist sa DepEd bukod pa sa school education fund na puwedeng gamitin sa pag print ng mga modules.

Dahil mahihirapan ang mga magulang na magtungo sa paaralan para kunin ang modules dahil sa problema sa transportasyon ay napagkasunduan na sa barangay na mismo kukunin ang modules.

Mayroon umanong MOA signing sa pagitan principal ng Dagupan City National High school at Liga ng mga barangay kung saan nakapaloob dito na makikipagtulongan umano ang mga barangay sa distribusyon ng mga modules.