Isa ang patay habang isa ang sugatan matapos sumimplang ang sinasakyang motorsiklo sa Cayanga Bridge sa bayan ng San Fabian, dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Kinilala ang nasawi na si Carlos Javier, 21 anyos, habang sugatan naman ang driber na Froilan dela Cruz.
Sa imbestigasyon ng Pulisya, galing ang magkaibigan sa lungsod ng Urdaneta.
--Ads--
Walang suot na helmet ang dalawa kaya matinding sugat ang tinamo ng kanilang ulo.
Napag alaman na lango sa alak ang dalawang biktima.
Kritikal ngayon ang lagay sa ospital ng driber at nakatakdang sumailalim sa operasyon.




