Nailigtas ng tanggapan ng Philippine Overseas Labor Offce at Overseas Workers Welfare Adinistration o OWWA sa Riyad Saudi Arabia ang isang Pinay worker na nakaranas ng pagmaltrato ng kanyang amo.

Ayon kay bombo International correspondent Lawrence Valmonte, inilapit sa OWWA ang situwasyon ni Edna Baquiran, 47 anyos, tubong Ilagan Isabela, na walong buwan nang nanunungkulan bilang kasambahay sa ina ng kanyang employer.

Kaagad naman siyang sinaklolohan at iniligtas mula sa kanyang amo.

--Ads--

Matatandaan na base sa salaysay sa bombo Radyo Dagupan ng Pinay worker, 2 linggo pa lang niya sa trabaho ay sinasaktan na siya ng kanyang amo.

Walong buwan siyang nagtiis sa pananakit sa kanya. Nariyan yung siya ay sinasampal, sinusuntok, dinuduruan, kinukulong, tinatadyakan, hindi pinapakain at 17 oras ang kanyang trabaho.