DAGUPAN, CITY— Maituturing na prime suspect ng Mangaldan PNP ang babaeng kasama ng namatay na 56 anyos na lalaki na pumasok sa isang motel sa bayan ng Mangaldan.

Ayon kay kay PLtCol. Jun Wacnag, hepe ng naturang himpilan, tinitignang pangunahing suspek ang naturang babae dahil siya umano ang huling kasama ng biktima bago ito mamatay.

Aniya, nakikipag-uganyan na ang kanilang hanay sa may-ari ng cctv para malaman ang pagkakakilanlan ng kasama nitong babae.

--Ads--

Sa ngayon, hindi muna pinangalanan ang suspek dahil hindi pa lumalabas ang resulta ng autopsy at patuloy pa rin nila itong iniimbestigahan.

Ngunit sa kabilang dako ay tinitignan din nila ang posibilidad na posibleng namatay ang biktima sa sakit dahil base sa pamilya nito ay may iniinda umano itong hypertension at asthma.