DAGUPAN, CITY— Patuloy ang panawagan ng pamahalaan ng lalawigan ng Pangasinan sa publiko na makipagtulungan ang mamamayan sa kanilang laban kontra COVID-19 sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinapatupad na mga heath protocols.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay 4th District Board Member Agerico “Ming” Rosario, na siya ring Chairman on Commitee on Health ay inaapela ng sanguniang panlalawigan na mas mapalawig pa ang pagpapatupad ng mga umiiral na health protocols upang makaiwas sa naturang sakit.

Aniya, malaking tulong umano ang pakikipagtulungan ng mga mamamayan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit gaya na lamang ng pagsusuot ng face masks at pag-obserba sa tamang social distance.

--Ads--
4TH DISTRICT BOARD MEMBER AGERICO “MING” ROSARIO

Dagdag pa rito, nakapaloob din sa kanilang napag-usapan sa kakatapos lamang na 34th Sanguniang Panlalawigan session, na maliban sa pagsusot ng facemasks, ay ang mungkahi rin na pagsusuot ng face shield sa pampublikong lugar para dobleng proteksyon laban sa nabanggit na sakit.