Dagsa pa rin ang mga pasyente sa American Universty of Beirut Hospital na isang premier hospital sa Beirut Lebanon kasunod ng nangyarig malakas na pagsabog.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jennifer Evasan, tubong Dagupan City na base sa pahayag ng kanyang amo na isang administrator sa nasabing hospital, mahigit 500 pasyente ang dumating at marami pang kasalukuyang dinadala doon.

Saad pa niya, nag stock na rin ng maraming pagkain ang kanyang mga employer. Tahimik na ngayon sa Beirut at tanging naririnig ay mga dumaraang ambulansya.

--Ads--
Jennifer Evasan, OFW

Sa ngayon ay hindi muna sila pinalalabas hanggang sa matiyak na ligtas na ang lugar.