DAGUPAN, CITY— Hindi pa sa ngayon dapat ikunsidera ang mungkahi sa pagbabalik sa Enhance Community quarantine ng lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang tugon ni 4th District Board Member Agerico “Ming” Rosario, na siya ring Chairman on Commitee on Health ng Sangguniang Panlalawigan hinggil sa nasabing rekomendasyon.

Ayon kay Rosario, kung tutuusin ay maari umano sanang ikunsidera ang nabanggit na mungkahi sa ngayon, ngunit aniya ay nakita naman ang bigat ng sitwasyon noong panahon na nasa ilalim pa ang probinsya sa ECQ dahil marami ang hindi makakagalaw dahil sa mas mahigpit na pagbabantay sa mga boarders at mga residente.

--Ads--

Dahil sa naturang quarantine level ay lubos na maapektuhan ang lahat ng sektor sa lalawigan lalo na ang aspetong pang-ekonomiya.

Hanggat maaari aniya, ay kanila nang iniiwasang mangyari ito kaya maigting nilang ginagawa ang kanilang makakaya upang matugunan ang pagdami ng mga kaso ng pandemya sa lalawigan.