Umaabot sa labing tatlo ang panibagong kaso ng covid 19 sa lalawigan ng Pangasinan.

Ang limang panibagong kaso ng covid-19 ay naitala sa bayan ng Sual kahapon.

Apat sa mga positibo ay frontliners at isang returning resident.

--Ads--

Ito ay kinabibilangan ng 34 anyos na babae, 38 anyos na lalaki, 42 anyos na babae, 25 anyos na babae at 39 anyos na lalaki.

Resulta pa rin ito ng isinasagawang targeted mass testing kung saan nakikita agad ang mga positibo sa nasabing pandemya.

Samantala, apat naman ang naidagdag sa datos mula naman sa lungsod ng Urdaneta.

Ito ay kinabibilangan ng isang 9 anyos a lalaki, 15 anyos na babae, 14 anyos na lalaki at 18 anyos na babae.

Samantala, nakapagtala rin ng bagong kaso sa bayan ng Calasiao at ito ay isang 49 anyos na lalaki, isa ring 41 anyos na lalaki mula naman sa bayan ng Labrador, isang 41 anyos na lalaki sa bayan ng Bugallon at 36 anyos sa babae sa bayan ng Aguilar.

Sa ngayon nasa 235 na ang kabuuang kaso ng naturang sakit sa probinsiya.

Ang mga nakarekober ay nasa 153 habang nananatili sa ospital ang 71 at 11 ang nasawi.

766 na ang kabuoang bilang ng mga suspects o patient under investigation o PUI habang aabot na sa 149,379 ang PUM o person under monitoring.