DAGUPAN, CITY—Pinatutsadahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga nagsusulong ng muling pagbuhay sa death penalty upang masawata ang naitatalang krimen sa Pilipinas.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Karen Gomez-Dumpit, Commissioner ng Commission on Human Rights (CHR), sinabi nito na hindi umano lohikal ang katwirang “mata sa mata, ngipin sa ngipin” dahil anong karampatan parusa na lamang umano ang gagawin kung papairalin ang naturang katwiran ng ilan kung saan inihalimbawa niya na kung sakaling may masasakdal sa kasong panggagahasa, ay dapat din ba umanong gawin ang naturang krimen pabalik sa nakagawa nito.

Sapat na umano na makulong ang mga nakakagawa ng krimen upang mapigilan ang pagtatala ng krimen sa bansa.

--Ads--

Saad ni Dumpit, na kanilang sinusuportahan ang pagkakaroon ng mas mataas ng budget sa maraming mga law enforcers at dapat ding magkaroon ng karagdagang law enforcers upang ipatupad ng mas maayos ang batas.

Kung mapatunayan aniya na nagkasala umano ang isang tao ay doon lamang dapat huliin nang sa gayon ay ma-rehabilitate at para mapagnilayan ng nasasakdal ang kanyang pagkakasala upang mabigyan siya ng pagkakataon para magbago.

Dagdag pa niya na hindi ito tinatawag na paghihiganti bagkus ito ay pagsasagawa lamang ng restorative justice sytem para sa kumunidad.