Lubos na nagpapasalamat sa himpilan ng Bombo Radyo Dagupan ang kaanak ng isang OFW matapos na makauwi sa Pilipinas mula sa Saudi Arabia.

Ayon kay Bombo International correspondent Lawrence Valmonte, OFW sa Riyadh, Saudi Arabia dahil sa tulong ng Bombo Radyo ay agad na umaksyon ang agency ng Pinay domestic helper sa Saudi Arabia na si Marie Luz Acosta at inayos ang pagpapauwi rito makaraan na ilang buwang naantala ang kanyang pag uwi.

Nabatid na natapos na ang kanyang kontrata noon pang buwan ng Pebrero pero nakiusap ang kanyang employer na huwag munang umuwi at tapusin muna ang pag-aaral ng kanyang alaga.

--Ads--

Pumayag naman umano ang nasabing Pinay DH pero hindi agad nakauwi.

Una nang nagparating sa bombo radyo ng pag-aalala ng kanyang mga kaanak sa Pilipinas sa totoong kalagayan nito.

Batay pa nga sa salaysay ng tiyahin nito na si barangay chairwoman Gemma Acosta na tubong Echague, Isabela, huling nakausap nila ito noong July 1.