DAGUPAN, CITY— Hiniling ni Senador Risa Hontiveros na makarinig ng salita na siyang makakapagpanatag ang loob ng mamamayan sa nakatakdang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte mamaya.

Ito ay dahil sa malaking krisis na kinakaharap ng bansa laban sa pagsugpo sa coronavirus disease at maraming mga Pilipino sa iba’t ibang sektor ang naapektuhan ng naturang sakit sa nakalipas na mga buwan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Sen. Hontiveros, aniya ang mga salitang dapat mabanggit ng pangulo ay dapat magpapamalas ng talino at kanlungan, maging ng sulysyon at tugon ang pamahalaan sa ating kinakaharap na health at economic crisis.

--Ads--

Aniya, makita din sana umano na manganako din ang presidente ng katarungan sa lahat ng “pang-aabuso “ng ilang opisyal sa mga nakaraan buwan.

Dagdag pa niya na ang mga salitang kanyang nababanggit ay makapagbibigay din ng tamang respeto at dignidad para sa bawat pilipinong dumadanas ng mga pagsubok lalong lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Kanya ding panawagan sa mga mamamayan ng bansa na patuloy ang pagkakaisa upang harapin ang anumang pagsubok sa iba’y iba pang usapin dito sa ating bansa.