Nagpahayag ng pagkalungkot ang Commission on Human Rights (CHR) Region I dahil nagkaroon muli ng kahalintulad na kaso ng karahasan at pagpatay na sangkot ang pulis sa lalawigan ng Pangasinan kung saan isang 23 anyos na dalaga ang pinatay ng pulis nitong kasintahan.
Bagamat nananatili ang posisyon ng CHR na paisa isa lamang ang ganitong mga kaso, tiniyak ni Atty. Harold Kob-aron, Regional Director ng CHR Region 1, na patuloy parin ang kanilang pagmomonitor sa ganitong klaseng mga insidente.
Matatandaan na pinaslang ng mismo ng kasintahan nito na kinilalang si Partolman Tranquilino Germono, ang biktimang si Renalyn Aquino, 23 anyos empleyado ng Provincial Social Welfare and development Office (PSWDO), na kinalaunan ay napag-alamang nagdadalang tao, sa lungsod ng San Carlos.
Samantala, nagpaalala naman si Atty. Kob-aron, na bukas ang kanilang hotline para takbuhan at ireport ang mga nangyayaring paglabag sa karapatan ng mga mamamayan.
Lalo at hindi aniya nila inaalis ang posibilidad na posibleng madagdagan ang ganitong mga insidente dahil community quarantine kung saan limitado ang galaw ng mga tao at nananaig ang mga otoridad dito.
Nagpaalala naman si Atty. Kob-aron, na dapat maging aware ang mga tao sa kanilang karapatan at respetuhin at huwag labagin ang karapatan ng ibang tao.