DAGUPAN, CITY— Hinihikayat ng pamunuan ng pumapasadang bus sa siyudad ng Dagupan ang mga mamamayan na nais makatipid sa pamasahe na magcommute sa pamamagitan ng pagsakay sa bus kaysa magbayad ng mas mahal na singil sa tricycle.

Ito ay matapos nabigyan ng prangkisa at mapayagan ng buniyahe ang nagiisang ng bus company sa ilang bayan sa lalawigan bilang kanilang ruta kabilang na dito ang bayan ng Tayug, Carmen, Calasiao, Malasiqui, Bayambang, Alcala, lungsod ng Dagupan, at Urdaneta.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Manny Rosario, Head Dispatcher ng Fivestar bus, nanawagan ito sa mga commuter na gustong makatipid dahil sa mahal na singil sa mga kinukupadong mga tricycle, ay hinikayat nito ang mga ito na tignan ang oras kung kailan dadaan ang kanilang mga bumibiyaheng bus.

--Ads--

Sa nasabing mga biyahe, ang ordinary bus na 61 seaters ay 30 pasahero lamang ang pwedeng sumakay doon.

Ayon pa kay Rosario, kalahati pa lamang sa ngayon ng seating capacity ng mga airconditioned bus ang maaring masakyan ng mga pasahero kung saan ay may 25 na katao lamang ang laman sa isang biyahe kasama na rito ang driver at kondoktor.

Aniya, sampung permit lamang ibinigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kung kaya’t sampung bus lamang din ang pinapayagang bumyahe sa kanilang kumpanya.

Kung ikukumpara sa dating mga biyahe, noong wala pa ang naturang pandemya, kapag umaalis ang kanilang bus ay mababa na ang bilang na 15 pasahero ang lulan ng mga bus sa isang biyahe ngunit ngayon, dalawa o tatlo na lamang ang nakasakay dito.

Dagdag pa nito, nagbawas din sila ng mga trabahador kung saan dati ay tatlo ang duty na dispatcher ngunit sa ngayon isa lamang ang duty dito.