Natagpuang patay ang isang membro ng LGBTQ community sa bakanteng lote sa bayan ng San Nicolas dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Tadtad ng tama ng bala ng baril at may mga pasa sa ibat ibang bahagi ng katawan nang matagpuan sa isang bakanteng lote malapit sa ilog ang bangkay ng 46 anyos na si Angelito Hidalgo, membro ng LGBTQ community at residente ng barangay Poblacion East sa nasabing bayan.
Ayon sa kanyang pamilya, umalis ang biktima upang makipagkita sa kanyang kakilala sa parehong barangay. Inilarawan pa ito ng kaniyang ina bilang mabait ang anak at hindi salbahe.
Sa ngayon ay hinihintay pa ang resulta ng autopsy sa bangkay para malaman kung ano pa ang posibleng ginawa sa biktima ng hindi pa nakikilalang suspek.
Pinag aaralan na rin ang mga kuha sa CCTV camera sa lugar habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.