DAGUPAN, CITY— Tiniyak ng Department of Agriculture na binabatayang maigi ng kanilang tanggapan ang mga alagang baboy na posibleng matatamaan ng African Swine Fever o ASF.

Ito ay matapos ang ilang ulat ng mga hindi kanais-nais na pagkamatay ng mga baboy sa ilang lugar dito sa bansa partikular na sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Florentino Adame, Chief Agriculturist, ng Regulatory Division ng Department of Agriculture -Region I, na minomonitor ng kanilang tanggapan ang mga baboy na may malalang sanhi ng pagkamatay.

--Ads--

Aniya, kanilang sinisiguro na guwardiyado ang mga farms na may malaking bilang ng mga baboy na maaaring mas prone sa naturang sakit. Ngunit pagsisiguro naman nito na nakahanda sila sa pagsuri sa mga alagang baboy upang matiyak na hindi ito natamaan ng ASF.

Dagdag pa niya, kung sakaling magkaroon ng outbreak ang isang lugar, ay nakaantabay din ang pagsasagawa ng culling para maiwasan na ang pagkalat ng naturang sakit sa mga alagaing baboy.