Nakaranas ng napakataas na heat index kahapon lamang ang lungsod ng Dagupan dahil sa pag-iral ng easterlies mula sa silangan na nagdudulot ng maalinsangang panahon.

Umabot ng 60Ā°š‚ na itinuturing ng Extreme Danger level o mapanganib ang naitalang Heat Index ng PAGASA Dagupan .

Ang heat index ay ang aktuwal na nararamdaman ng katawan mula sa temperatura sa kaniyang paligid.

--Ads--

Habang nasa 34.7Ā°š‚ naman ang naitalang maximum temperature at 60% Humidity.

Kaugnay nito, nagpaaala ang PDRRMO Pangasinan sa publiko na uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration at pagkakasakit.