Balik operasyon na ang nasa mahigit 200 na units na pumapasada sa lungsod ng Dagupan na kinabibilangan ng mga pampublikong bus, dyip at UV Express.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Land transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB assistant regional director Atty. Anabel Nullar, sinabi nito na sa ngayon ay limitado pa rin ang kanilang ruta at isasakay na pasahero.

Nilinaw din niya na ang nagcocontrol ng ruta sa lungsod ay ang LGU Dagupan.

--Ads--

Ang mga binuksang ruta ay kahilingan mismo umano ng mga Local Government Units.

Sa usapin naman ng pamasahe, nilinaw ni Nullar na piso lang ang dinagdag na singil sa pasahe sa bawat unit ng sasakyan at may dagdag presyo sa susunod na kilometro.

Tiniyak naman ni Nullar na araw araw ang isinasagawa nilang assessment at evaluation upang malaman ang pangangailangan ng mga mananakay.

Giit din niya na titiyakin nilang hindi malalagay sa alangain ang kalusugan ng mga driber at pasahero.

Samantala, may parusa naman sa mga driber at operator na lalabag sa mga health protocol.

LTFRB ASST. REGIONAL DIR. ANABEL NULLAR

Iginiit ni Nullar na hindi talaga dapat lumabas ang mga tradisyunal na jeepney.

Aniya,dahil kunti pa lang ang mga modernong sasakyan sa region 1 kaya pinayagan umano ang mga tradisyunal na mga jeep na pumasada.