Asahan umano na magkakaroon ng meat shortage sa Luzon dahil sa dami ng bilang ng mga baboy na pinapatay dahil sa epekto pa rin ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Ito ay kaugnay na rin sa ulat na pumalo na sa 309,387 ang kabuong bilang ng mga baboy na pinapatay simula ang outbreak noong August 2019.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. Rosendo So, presidente ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG, ayon sa kanyang natanggap na data mula sa Department of Agriculture 350,000 na sow pig na ang sumailalim sa culling dito sa Luzon.

--Ads--

Ibig sabihin, sa nasabing bilang, kung manganganak ang mga ito sa isang buwan, nasa humigit kumulang nasa 380,000 sanang baboy ang maalagaan pa. Kung kaya’t kung mabawasan ang mga ito, ay malaking bilang ng karne ang kulang dito sa Luzon.

Dagdag pa ni So, isa pang nakikitang problema pa umano ng kakulangan ng suplay ng mga baboy ay ang pagbibenta ng mga malalaking farm ng mga inahing baboy dahil na rin sa takot ng mga ito na malugi.