Balik operasyon na ang pamosong Hundred Islands National Park sa lungsod ng Alaminos.
Ayon kay City Tourism officer Mike Sison, gaya ng inaasahan ay kaunti pa sa ngayon ang dumating na mga bisita.
Sa ngayon ay limitado lang sa mga residente at bisita mula sa unang distrito ng lalawigan ang tatanggaping bisita.
Kapag maayos na ang situwasyon ay saka na sila tatanggap umano ng ibang mga bisita mula sa buong lalawigan.
Base sa kanilang rekord ay pitu pa lamang ang nagtungo sa nasabing lugar pero inaasahan na nila na sa mga ibang araw ay dadami rin ang mga taong magtutungo doon para mamasyal.
Samantala, mananatili ang ipinatutupad na mga health protocol sa Hundred Island upang maiwasan ang pagkakasakit ng mga bisita.
Binigyang diin nito na sanitized ang mga motorboat nila at limitado lang ang puwedeng isakay.
Giit ni Sison na mandatory pa rin ang pagsusuot ng facemask at social distancing upang makaiwas sa banta ng corona virus disease.
Nabatid na nagbukas na rin ang mga restoran pero 50 percent pa lang ang venue capacity.