Arestado ang isang barangay tanod matapos halayin ang isang menor de edad sa bayan ng Rosales dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay pol. major Felimon Oligo Jr., officer in charge ng Rosales PNP,
kinilala ang suspek na si Eric JImenez, 42 anyos, binata, at barangay tanod sa nasabing lugar.
Base sa kanilang initial na imbestigasyon, pumunta sa bukid ang 11-anyos na biktima para sundan ang bayaw niya na nagpapastol ng kambing sa barangay Tumana West, sa bayan ng Rosales.
Inabangan umano siya ng suspek.Hinila siya sa isang madamong lugar at doon ay ginahasa.
Nakita ng bayaw ng biktima habang hinahalay ito kaya agad na ipinagbigay alam sa mga kinaookolan.
Matapos ireport sa himpilan ng pulisya ay agad na tinungo ang lugar at nahuli ang suspek.
Nabatid na wala naman daw anumang rekord ang suspek.
Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek at nahaharap sa kaokolang kaso.
Nabatid na pangalawang inswidente na ito ng panggagahasa sa kanilang nasasakupan ngayong taon.