Iginiit ng isang guro mula sa Pangasinan National High school, na napapanahon ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ng panukalang batas na nagsasama sa Good Manners and Right Conduct (GMRC) classes sa K to 12 program.

Sa ekslusibong panayam ng bombo radyo Dagupan, sinabi ni Roland Umangay, guro sa Pangasinan National Highschool sa bayan ng Lingayen na
kailangan na maturuan ang mga bata ng magandang pag uugali.

Base sa kanyang obserbasyon biLang guro ay unTi unti ng nakakalimutan ng mga kabataan ang mga mabubuting aral na itinuro ng ating mga nakakatanda dahil sa paggamit ng teknolohiya.

--Ads--

Maraming kabataan ang hindi na nagbibigay galang sa mga mas nakakatanda sa kanila.

Malaki ang epekto aniya ng paggamit ng teknolohiya at pakikinig sa radyo o panonood ng television kaya nararapat lamang na ibalik ang subject na GRMC sa panahong ito.

Karamihan aniya sa mga social media influencer ay gumagamit ng salitang kalye at wala ng magagalang na salita sa kanilang video.

Ilan sa mga inihalimabawa niyang unti unting nawawala sa panahong ito ay ang pagmamano ng mga kabataan kapag may dumating na bisita sa kanilang bahay.

Dati aniya, takot din ang mga mag aaral na umupo sa mesa ng guro pero sa ngayon ay mas madali nang lumapit ang mga bata at humingi ng pabor sa kanilang guro.

Dagdag pa niya na mas mainam na magsimula sa bahay ang pagtuturo ng magandang asal sa mga bata.

Matatandaan na nilagdaan ni Pangulong Duterte ang panukalang ibalik ang Good Manners and Right Conduct (GMRC) and Values Education na asignatura mula kindergarten hanggang senior high school.