Nakapagtala na ang lalawigan ng Pangasinan ng 1,028 na kaso ng dengue mula Enero hanggang sa kasalukuyang buwan.
Ayon kay Provincial Health officer Dra. Anna Marie de Guzman sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, ang nasabing bilang ay mas mababa kumpara sa 1,274 na kaso na naitala sa parehong period noong nakalipas na taon.
Ang mga lugar na nakapagtala ng mataas na dengue case ay ang lungsod ng San Carlos, bayan ng Calasiao, Binmaley , Bugallon at Santa Barbara.
--Ads--
Kaugnay nito, hinimok niya ang mga tao na kapag nilalagnat na ng ilang ilang araw ay agad na magpatingin sa doktor.
Hinikayat niya ang publiko na pumunta sa pinakamalapit na health center at sabihin ang nararamdaman sa katawan para masuri.