Masayang ibinalita ng tanggapan ng Department of Agrarian Reform o DAR sa kanilang mga benepisyaryo ang ilan sa mga insentibo na maaari nilang matanggap ngayon sa kabila ng krisis na siyang kinakaharap ng ating bansa.
Ayon kay Maria Ana Francisco, Provincial Agrarian Reform Program Officer II, bagamat nakatuon ang atensyon ngayon ng pamahalaan sa pandemic Covid-19, hindi pa rin naaalis ang kanilang mga programa upang maabutan ng tulong ang mga kababayan nating magsasaka.
Aniya, maituturing din bilang mga frontliners ang mga magsasaka in terms of food security. Humigit kumulang 1, 892 agrarian reform beneficiaries ang nabigyan ng mga binhi at ilan pang mga insentibo sa buong lalawigan ng Pangasinan.
Tinatayang 906 na benepisyaryo ang makakatanggap din ng agricultural inputs partikular na ang “seedlings” na nagkakahalaga ng 2,600 pesos.
Hindi din namam kasi aniya maikakaila na hindi lahat ng mga magsasaka sa ating probinsiya ay bahagi ng Social Amelioration Program o SAP kayat minabuti ng kanilang tanggapan na kahit papano’y maabutan ng tulong ang sektor ng mga magsasaka.