Isang magandang balita dahil ang Region 1 Medical Center (R1MC) dito sa lungsod ng Dagupan ay napagkalooban ng License to Operate for COVID 19 Testing gamit ang Gene Xpert (Xpert Xpress SARS-CoV-2).

Ang Gene Xpert (Xpert Xpress SARS-CoV-2) ay gagamitin sa pasyente para sa detection ng COVID-19.

Ang validity ng nasabing license na ipinagkaloob ng Department of Health ay mula June 9 hanggang September 9, 2020.

--Ads--

Ang RIMC ay may isolation area na tumatanggap ng mga may banayad na kaso, asimtomatiko at ang mga nagamot na subalit nangangailangan pang iquarantin.

Sa kasalukuyan ay nasa 14 ang mga lisensyadong Gene Xpert laboratories sa bansa habang nasa 42 naman ang mga lisensyadong COVID-19 testing laboratory.