Pinulong ni Pangasinan gov. Amado I. Espino III ang ilang department heads at isang opisyal ng Philippine National Police- Pangasinan sa Narciso Ramos Sports and Civic Center (NRSCC) ukol sa pagdami ng bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19 sa lalawigan.

Ayon sa PHO, lahat ng mga positive COVID 19 cases ay “asymptomatic” o walang ipinapakitang sintomas na karaniwan sa COVID -19 patients.

Sila ay nagpositibo pagkatapos sumailalim ng targeted mass testing.

--Ads--

Ayon kay Espino, tumaas ang bilang ng mga nagpositibo sa ilang bayan at lungsod dahil sa isinasagawang Targeted Mass Testing kaya, agarang sinimulan ang contact tracing.

Dahil dito, patuloy nilang pinapayuhan ang mga kababayan na mag-ingat pa rin dahil hindi pa tapos ang laban sa COVID-19.

Sampu lang sa 2,000 na katao na sumailalim sa targeted mass testing ang nagpositibo o mababa pa sa 1 percent ang confirmed cases.

Samantala, maliban sa Covid 19, nabanggit din ni Gov. Espino na panahon na naman ng tag-ulan kaya pagtutuunan ng pansin ng pamahalaang panlalawigan ang mga sakit gaya ng flu at dengue.