Nakapagsagawa na ng Swab Testing sa mga direktang nakasalamuha ng kauna-unahang biktima ng COVID-19 sa siyudad ng San Carlos.
Matapos na maitala ang unang kaso ng sakit ng LGU, agad na nakipag-ugnayan ang kanilang City Health Office sa Provincial Health Office upang maisagawa ang nabanggit na hakbang, bagay na agad namang inaprubahan upang masuri na rin ang mga taong nakasama ng tinaguriang Patient 1 ng siyudad.
Inaasahan naman na pagkalipas ng ilang araw ay lalabas na rin ang resulta nito, at magiging basehan naman aniya ng mga susunod na hakbang ng opisina ni San Carlos City Mayor Julier Rusuello sa kanilang pagtiyak na wala nang maidagdag pa sa nag-iisang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.
Samantala, natapos na rin nang ginawang Contact Tracing sa mga nakasalumuha ng pasyente at ang mga ito ay sumasailalim na sa striktong Home Quarantine.